DZRH
July 28, 2010
Isa ang sugatan matapos bumaligtad ang truck ng basura sa Payatas Road, Quezon City kaninang tanghali.
Kinilala ang sugatan na si Jun Basig, trabahador ng A & L Second-Hand Lumber Company na isinugod sa East Ave. Medical Center.
Ayon sa mga witness, mabilis ang takbo ng truck ng basura na may plakang UNN-355 habang binabaybay nito ang Payatas Road.
Nabigla umano ang driver ng truck ng bumulaga rito ang papasalubong na tricycle dahilan para tumbukin nito ang A & L Second-Hand Lumber Compound.
Nagkataon naman na nakatayo at nakatalikod sa paparating na truck ang trabahador na si Basig na siyang nadisgrasya ng truck ng basura.
Sa lakas ng pagkakasalpok kay Basig ng truck, tumilapon ito ng may dalawang metro.
Samantala, nadamay rin ang truck ng DSWD Central Office na nakaparada lamang sa tapat ng Second-Hand Lumber Compound.
No comments:
Post a Comment