2 Kandidato ng Ang Kasangga-DINISKWALIPIKA

leth/ Michael Joe T. Delizo
DZRH
July 11, 2010


Dinisqualify ng Commission on Elections' First Division ang dalawang nominado ng Ang Kasangga party-list.

Sa desisyong ibinaba noong July 7, sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na hindi nabibilang sina businessman Teodorico Haresco at dating San Carlos City, Negros Occidental Mayor Eugenio Jose Lacson sa marginalized at underrepresented sector na gusto nilang katawanin.

Ayon kay Sarmiento, mahirap paniwalaan n talagang nauunawaan nina Haresco at Lacson ang sitwasyon ng mga maliliit na micro-entrepreneurs.

Kinatigan ng COMELEC ang petisyong inihain ng election watchdog kontra daya na binubuo ng mga lider ng Militanteng Grupong Bayan, Migrante, Courage, Anakbayan, at Alliance of Concerned Teachers.

Iginiit ng grupo na ang party-list na Ang Kasangga ay kaalyado ni dating pangulo na ngayo'y Pampangga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

No comments: