DZRH
July 28, 2010
Inilipat ng korte suprema ang nakatakdang oral argument kaugnay sa isyu ng Hacienda Luicita.
Ayon kay Atty. Midas Marquez, sa halip na August 3, itinakda ang debate sa August 18. Sinabi ni Marquez na ito'y para magkaroon ng sapat na panahon ang magkabilang partido na makapaghanda sa gagawing oral argument.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang back-up kung saan ang stock holder ng Hacienda Luicita na una nang iniatas ng korte suprema na ma-i-sumite sa kanila batay sa inilabas kamakaylan na resolusyon.
Una nang kinuwestiyon ng mga magsasaka ang pagpipigil sa pamamahagi ng hekta-hektaryang lupain sa mga magsasaka sa ilalim ng Land Reform Program sa ilalim ng Department of Agrarian Reform.
No comments:
Post a Comment