leth/Michael Joe T. Delizo
DZRH
July 18, 2010
Nakatakda nang iuwi sa Pilipinas ang labi ng namatay na Pinay sa sunog sa isang hotel sa Iraq.
Ayon kay Assistance to National Officer and Attache Donnie Fetalino ng embahada ng Pilipinas sa Baghdad, ililipad ang labi ni Maricar Cente sa pamamagitan ng charted flight mula sa Sulaymaniyah patungong Beirut at mula Dubai patungong Maynila.
Namatay si Cente sa naganap na sunog sa Hotel Soma sa Sulaymaniyah City, Kurdistan Regional Governorate sa Iraq noong Biyernes ng umaga.
Samantala, inatasan ng Department of Foreign Affairs ang embahada na asikasuhin rin ang pangangailanagn ng dalawa pang pioy na nasugatan sa insidente at makipag-ugnayan sa kanilang employer para sa kaukulang benepisyo ng mga biktia.
1 comment:
Do you know something about Latin victims. when their remains will send to home??
Post a Comment