Manatiling Malapit sa Pampang, Magsuot ng Makulay na Damit-NDCC

leth/Michael Joe T. Delizo
DZRH
July 18, 2010


Pinayuhan ng NDCC o National Disaster Coordinating Council ang mga mangingisda sa Central Luzon na huwag lumayo sa pampang at magsuot ng makukulay na damit kung papalaot.

Ibinigay ng NDCC ang payo habang nagbabadya na naman ang isang sama ng panahon sa Gitang Luzon at Mindanao.

Paliwanag ng ahensya, mas madaling makita sa dagat ang maliwanag na kulay kumpara sa madidilim na kulay tulad ng itim at berde.

Madali rin umanong makakauwi ang mga mangingisda kapag kumulimlim ang panahon kung malapit lang sila sa pampang.

Una rito, nagbabala ang PAGASA na sa maaaring magdulot ng flashfloods at landslides sa Luzon at Mindanao ang mga pag-ulan bungsod ng active low pressure area.

No comments: