13 Dinakip habang Ilegal na Nangingisda

leth/Michael Joe T. Delizo

DZRH

July 18, 2010


Naaresto ng mga otoridad ang 13 mangingisda kabilang ang isang batang lalaki habang ilegal na nangingisda sa isang protektadong isla sa Turtle Islands sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Sr. Insp. Noelito Mata, hepe ng Taganak Police sa Sulu, nahulian ang mga mangingisda ng 20 bote ng dinamita, apat na sako ng ammonium nitrate, at mahigit tatlong sako ng basyong bote.

Kinumpiska rin mula sa mga suspek ang kanilang fishing vessel na may sakay pang 2 motorized boats.

Nakatakdang kasuhan ang mga mangingisda at ang may-ari ng barko, Stardust Kipli ng dynamite fishing, isang uri ng paglabag sa Republic Act 8580.

Dadalhin sila sa Zamboanga para sa inquest proceedings habang ang bata ay isasailalim sa pangangalaga ng Dep’t of Social Welfare and Development.

No comments: