45 Taong Gulang na Ginang Nakuryente-PATAY

Michael Joe T. Delizo
DZRH
July 21, 2010


Patay ang 45 taong gulang na ginang makaraang makuryente sa bayan ng Dilasag, Aurora habang nagsasampay.

Di inakala ng midwife na si Gng. Siena Cupaz ng Brgy. Ura na biglang magbabalik ang daloy ng kuryente makaraang mawalan ng suplay sa mga nakalipas na araw sa naturang bayan.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa Electric Cooperative na nakabase sa Aurora.

No comments: