Chairmanship ng House Ethics, Ibibigay sa Minorya ng Kamara

Michae Joe T. Delizo
DZRH
July 28, 2010


Sa kauna-unahang pagkakataon ay may Committee Chairmanship na ibibigay sa oposisyon sa Kamara de Representantes, taliwas sa nakasanayan na ng ang mayorya lamang ang hahawak sa mga chairmanship ng mga kumite.

Kinumpirma ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na kanyang inialok sa hanay ng minorya ang chairmanship ng house ethics committee. Ito ay alinsunod sa programa ng transparency na kanyang ipapatupad.

Ang ethics committee ay siyang nag-iimbestiga sa mga reklamo laban sa mga congressman at ito rin ang nagpapataw ng parusa sa kanilang kasamahan.

Nauna nang lumutang ang pangalan ni Siquijor Cong. Orlado Fua mula sa minorya na siyang hahawak sa house ethics committee.

No comments: