DZRH
July 20, 2010
Patay ang isang guro at sugatan naman ang kasama niyang guro rin matapos pagbabarilin, ganap na 05:30pm sa loob mismo ng compound ng Tubot Elementary School sa bayan ng Minya-Mingla sa Cebu.
Kinilala ang mga biktima na sila Serason Villahermosa, 36 na diumano'y target ng mga di pa nakikilalang suspek. Dead on arrival si Villahermosa sa South General Hospital. Habang si Roger Mauris, 41 ay sugatang nananatili pa rin sa hospital.
Ayon kay P01 Marco Saroso ng Minya-Mingla Police Station, pauwi na ang mga biktima nang pagbabarilin ang mga ito ng suspek na nakasuot ng jacket na itim at naka-bonnet, lulan ng pulang motorsiklo. Sinabing pumasok ang suspek sa paaralan at inambanagan ang biktima.
Patuloy pa rin ang imbestigasyob ng mga otoridad na may natanggap na diumano'y death threat si Villahermosa na ngayo'y tinututukan bilang motibo at angulo sa krimen.
No comments:
Post a Comment