Bagong Graduate na Pullis Nakabaril ng Kainuman

Michael Joe T. Delizo
DZRH
July 21, 2010


Isang bagong graduate na pulis ang nakabaril ng kapwa niya bagitong pulis habang nag-iinuman sa Cebu.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Cebu City Police na pinaglalaruan ni P01 Ronny Barangia, 25, ang kanyang baril nang aksidente itong pumutok at tamaan sa leeg si P01 Ronny Barita, 27.

Nangyari ang insidente habang nasa inuman ang dalawa sa San Tianco St., Brgy. Pahina Central, Cebu.

Patuloy na inoobserbahan si Barita sa ospital pero ayon sa mga doktor, ligtas na siya sa delikadong kalagayan.

Pansamantala namang ikinulong si P01 Barangia na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo dahil sa kapabayaan sa kanyang baril at kawalang disiplina.

No comments: