DZRH
July 27, 2010
Isang teenager na buntis ang pinagbabaril at napatay sa Naga City.
Dead-on-arrival sa ospital si Alma Nacional, 18, matapos pagbabarilin ng kanyang 40-anyos na live-in partner sa kanilang tinutuluyang boarding house sa Lunda St. Brgy. San Felipe, Naga City.
Napag-alaman na gustong ipalaglag ng suspek ang 3 buwang batang ipinagbubuntis ni Nacional na diumano'y anak nito sa ibang lalaki.
Nagtamo ng tatlong tama ng baril si Nacional sa iba't ibang parte ng katawan habang tumakas naman at nagtatago na ang suspek na live-in partner nito.
No comments:
Post a Comment