DZRH
July 27, 2010
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 10 taong gulang na batang babae na ginahasa at pinatay sa bayan ng Amulong, Cagayan.
Ayon kay Police Senior Insp. James Macarubo, walang wang pinagsasaksak ang biktima na halos lumuwa na ang bituka nito matapos halayin.
Natagpuan ang walang buhay na katawan ng bata na nakalilis pa ang panty sa bahay ng lola nito sa Brgy. Calamagui sa Bayan ng Amulong.
Ayon naman kay Police Supt. Helmer Casabay, Regional Chief ng Crime Lab, positibong ginahasa ang biktima dahil sa sugat sa ari nito.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya.
No comments:
Post a Comment