Regi/Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 25, 2010
Patay ang isang mag-ina sa madugong insidente ng panloloob sa San Fernando City, Pampanga kaninang umaga.
Nilooban at pinagsasaksak ang mag-inang Cecille de Jesus, 32, at ang anak niyang si Shiela de Jesus, 12, sa kanilang bahay sa Villa Barosa, Brgy. Doloro, San Fernando City dakong alas 6 ng umaga.
Nakaligtas naman sa kapahamakan bagamat sugatan ang isa pang anak ni de Jesus na si Micha, 13.
Batay sa kuwento ni Micah sa presinto, nagkunwari siyang patay at hinintay na makaalis ng kanilang bahay ang suspek bago bumangon para humingi ng tulong.
Pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek na kinilalang isang Jake Catanghal.
No comments:
Post a Comment