Regi/Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 25, 2010
Binabatanan ngayon ng Chinese Community sa internet site ‘hkgolden.com’ ang masasayang litrato ng mga Pilipino sa lugar na pinangyarihan ng madugong hostage-drama.
Makikita sa mga larawan ang mga estudyante at mga pulis na miyembro ng SOCO na masayang naka-‘pose’ sa tabi ng bus.
Galit, mura, at pagsumpa ang ibinabato ng mga Chinese sa nasabing forum matapos Makita ang masayang mga litrato.
Ayon sa isang forum member na may user name na H1N123, sana’y matutong makisimpatya ang mga Pilipino sa nangyari.
Sa pag-uugali diumano ng mga estudyante sa litarto, sinabi ni H1N123 na mababa talaga ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas gayundin ang kalidad ng seguridad na ibinibigay ng mga pulis.
Mababasa rin sa forum ang iba pang masasakit na ‘sumbat’ ng mga taga-Hong Kong sa mga Pilipno kasunod ng pagkamatay ng marami nilang kababayan sa hostage-taking incident sa Rizal Park
No comments:
Post a Comment