Regi/Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 11, 2010
Patay ang 3 Holdaper habang 3 iba pa ang nakatakas sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Camarines Sur.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay sa sagupaan sa bayan ng Bua kagabi, habang pinaghahanap naman ang mga nakatakas.
Ayon sa pulisya, isang impormante ang nagsumbong sa kanila na 6 na armadong lalaki ang nang-agaw ng motorsiklo at nangholdap sa isang establishyamento sa Brgy. Poblacion ng Bua.
May hinala ang pulisya na ang grupo ring ito ang suspect sa sunod-sunod na insidente ng holdapan sa iba’t ibang lugar sa Camarines Sur.
No comments:
Post a Comment