Slain SK Chairman's Eyes 'Stolen' for Donation


Galit na galit ang pamilya ng isang napaslang na Youth Leader matapos kunin ng Eye Bank Foundation of the Phils. ang mata nito nang walang abiso.

Ayon sa pamilya biktima, kabastusan ang ginawa ng foundation sa labi ni Jason Infante, 18, Chairman ng Sangguniang Kabataan ng Bgy. Valenzuela sa Makati City.


Namatay si Jason matapos saksakin ng lasing na kanilang sinita dahil sa pakikipag-inuman sa kalye.

Sinabi ni Paolo Infante, kapaatid ni Jason, nalaman lang nila na tinanggal ang mata ng binatilyo  nang mapansin na naka-diform ang mukha nito sa burol.

Itinuro ng staff ng Funeraria Filipinas ang Eye Bank na tumanggal sa mata ni Jason para i-donate.

"Pagbukas po dito ng kabaong, nalaman na ng mother ko na wala na yung mata ng kapatid ko. So, ang amin  po kung nagpaalam lang po ng maayos yung kumuha ng mata ng kapatid ko, maayos din po naming ibinigay yun. Kaso hindi po eh."

"Kasi Sir, very distinct po yung mata ng kapatid ko, malaki po siya. So, nung binuksan po yung kabaong ng kapatid ko, kitang kita po na lumubog yung mata niya at saka na-distort po yung mukha niya."


Umamin naman ang pamunuan ng Eye Bank na kinuha nga nila ang mata ni Jason.


Sa komprontasyon ng pamilya, sinabi raw ng Eye Bank na normal nilang ginagawa ang pagkuha ng mata ng mga bangkay.

Wala rin daw planong ipaalam ng Eye Bank na kinuha nila ang mata ni Jason kung hindi pa nasita ng pamilya.


"At saka actually meron po akong tanong na tinanong sa taga –Eye Bank na hindi ko po makakalimutan sa buong buhay ko. Unang-una tanong ko po, So, ibig sabihin kapag hindi nalaman ng pamilya, kapag hindi namin nalaman na tinanggalan ng mata yung kapatid ko, hindi na ba sasabihin sa amin? Ang sagot po ‘Oo’."

"Ang pangalawa ko pong tanong, ginagawa niyo ba talaga ito, at ang sagot nila’y ‘Oo’"


Nangako ang Eye Bank na ibabalik na lang  nila ang mata ni Jason para matigil ang pag-aalburoto ng pamilya.

Pero lalong nagalit ang pamilya dahil hindi naman daw manyika ang kanyang kapatid na kapag kinuha ang mata ay pwedeng ibalik.

           

“Siyempre hindi naman po ‘yan parang manyika na tinanggalan ng mata, pwede nang ibalik? Yung family po namin, nasa proseso pa ng decision kung ano pong gagawin.”


Pinag-iisipan pa ng pamilya kung isasama sa libing ni Jason ang mata o tuluyan nang ido-donate.


Statement from Dr. Minguita Padilla


Our sincere condolences go out to the family and friends of Jason Infante on his untimely and tragic death.


We are also deeply sorry for the distress the family may have experienced upon realizing that Jason’s corneas were retrieved by the Eye Bank Foundation of the Philippines.


The Eye Bank Foundation of the Philippines is a non-profit organization whose sole purpose is to help those in need of sight restoring corneal transplant surgery. We are aware that amidst the grief no words of explanation will suffice at the moment to help soothe the pain of his family. We assure all that the retrieval of Jason’s corneas was done in good faith, in accordance with the mandate of the Eye Bank Foundation, and with utmost respect and care for Jason.


We have visited Jason's wake and we gave the family, particularly his mother, Mrs. Infante, the choice of what to do with the corneas that we retrieved from Jason. She was gracious and generous despite her grief. Mrs. Infante has requested the Eye Bank Foundation to hold on to Jason's corneas in safe keeping until a decision has been reached.


Again, our deepest condolences to the Infante family. Our thoughts and prayers are with them.


Legalidad


Legal ang pagkuha ng Eye Bank Foudation of the Philippines ng mata ni Jason Infante kahit hindi  sila nagpaalam sa pamilya.


Ayon kay Dr. Leo Olarte, Vice President ng Philippine Medical Association, pwedeng kunin ng foundation ang mata ng sinumang bangkay kung wala ang pamilya nito sa funeraria sa loob ng ’48 oras’.


Pero ayon kay Paulo Infante, mukhang hindi gumawa ng ‘effort’ o paraan ang Eye Bank para makipag-ugnayan sa pamilya bago ang pagkuha ng mata. 



--------------
via DZRH News Interview

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151150528051405&set=p.10151150528051405&type=1&theater











No comments: