4,000 of 10K+ Luisita Farm Workers Choose Stocks

leth/ Michael Joe T. Delizo

DZRH

August 08, 2010



Mahigit 4,000 mula sa 10, 502 magsasakang benepisyaryo ng Hacienda Luicita ang mas piniling manatili silang stockholders ng korporasyon kaysa makakuha ng libreng lupa.


Sa patuloy na pirmahan sa nabuong kasunduan, mahigit 40 magsasaka lamang ang lumagda para sa Actual Land Distribution.


Gayunman, tinatayang 6,000 magsasaka ang hindi pa nakapagde-desisyon kung kukuha ng libreng lupa o mas pipiliin rin ang Stock Distribution Option sa usapin ng Hacienda Luicita.


Nagsimula ang referendum noong Biyernes matapos makabuo ng Compromise Agreement ang mga kinatawan ng mga magsasaka at mga may-ari ng sugar plantation.

PCG Searches for Missing Freighter off Marinduque

leth/ Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 08, 2010


Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng coast guard ang isang cargo vessel na iniulat na nawawala matapos makasalubong ng malalaking alon sa karagatan ng Marinduque.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Wilfredo Tamayo,galing Cebu at patungong Maynila ang barko sakay ang 17 tripulante nang biglang masiraan malapit sa Dos Hermanas Island.

Sinabi ni Tamayo na agad nagsasagawa ng search and rescue operations ang coast guard nang matanggap ang ulat tungkol sa nawawalang barko.

Gayunman, aminado itong nahihirapan ang coast guard sa kanilang operasyon dahil sa masamang panahon.

Office of Civil Defense, Nanawagang Umuwi ang mga Mangingisda

leth/Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 04, 2010


Nanawagan ngayon ang Office of Civil Defense sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot kaugnay ng papalapit na bagyong Domeng.

Paliwanag ni O-C-D Chief Benito Ramos, bagama't mahina pa ang bagyo ay maghahatid ito ng matindig pag-ulan sa Luzon partikular sa lalawigan ng Quezon, Bicol Region at Cagayan Valley.

Dagdag pa ni Ramos, baka magsalubong ang bagyong Domeng at ang low pressure area sa Batanes kaya tiyak na malakas na hangin din ang dala nito na posibleng maka-apekto sa silangang bahagi ng Luzon.

Samantala, sinabi ni Ramos na naka-blue alert na ang NDCC at inalerto na rin ang mga local Disaster Coordinating Council sa Region 4-A, 3 at 2 na inaasahang daraanan ng bagyong Domeng.

Voice Clip: 03 Ramos on Domeng

8 Estudyante sa Santiago City, Nagpositibo sa AHN1 Virus

Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 04, 2010


Nagpositibo sa AH1N1 Virus ang 8 estudyate ng Victoty Norte Elementary School sa Victory, Santiago City, Isabela.

Sinuspindi naman agad ang klase mula Aug. 3-8 ni City School Division Supt., Benjamin Pascual.

Halos kalahati na sa mga kaklase ng mga positibong estudyante ang nagkakasakit kasama na rito ang kanilang guro.

Marami na rin ang ulat ng mga nagkakasakit na bata sa mga kalapit na paaralan.

Ilang ginang naman ang sumugod sa Brgy. Hall ang humihiling ng malawakang paglilinis sa buong Victory Norte Elementary School na taon-taon nang napapa-ulat na maraming nagkakasakit sanhi ng mga dengue carrying mosquitoes mula sa kanal na mismong nasa harap ng mga classroom.

Sa ngayon ay gumagawa na ng paraan ang City Health Office upang linisin ang paligid at labas ng school campus kung saan ito malimit umanong bahain.

Nagpatawag na ng pagpupulong ang Brgy. Hall upang turuan ang mga magulang sa tamang paglilinis ng paligid.

Hard to be Alone

August 03, 2010

Few days to go then I'll finished my radio practicum. I'm so excited to finish it. It's hard to work here, but it's definitely fruitful and worth it for my future profession.

If I'll finished this, I will feel the sense of pride of working so hard in news center wherein pressure is always present in me.

I haven't wrote a journal for how many days, everything seems normal, everything is constant, an everyday question of what is news seems ironically an everyday question of 1+1, very basic but needed to answer.

I am the only intern today, alone on the desk. I should work faster and smarter. One ear to the phone, the other one to monitor the program and hands should keep on writing.

Pa, Son Face Homicide Raps

Regi/Michael Joe T. Delizo
DZRH
August 03, 2010


Nahaharap sa kasong pagpatay ang limang magkakamag-anak sa pagpatay sa isang lalaki sa Bataan Province.

Sinampahan ng kasong homicide ang mag-aamang Crispin, Clizter, at Krivsy Tria, Lolong si Eduardo Enriquez, at pinsang si Jeffrey Villanueva sa pagpatay sa basketball palyer na si Chrsitopher Robles.

Nangyari ang krimen nang magkainitan sa larong basketball si Robles at Crispin Tria sa Brgy. Puerto Domingo, bayan ng Orion.

Sinuntok ni Robles si Crispin dahilan para ito'y umuwi at pagbalik ay kasama na ang kanyang ama, kapatid, lolo at pinsan.

Pagbalik sa court, biglang bumunot ng baril ang suspect na si Crispin at binaril sa dibdib ang biktima na dineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Ikinulong na ng mga pulis ang limang magkakamag-anak sa Orion Municipal Jail at haharapin ang kasong homicide.